Monday, May 2, 2011

The Summer Komikon 2011 Aftermath



Hello Memerians! Waaahhhh! Pauso ko, kasi nag-iisip ako ng maitatawag sa mga nagmamahal ng Cat’s Trail pero parang alien ang dating: Ctrailiens, Catraliens, CTlens (o di ba parang brand ng kung anong lente?), at Aireeliens; ang dating ng lahat ay aliens! Kaya memerians na lang dahil sa mundo naman ng memeria nakatira ang ating mga bida. ^^

            Unang-una sa lahat, maraming salamat! Lalo na po sa mga nagpunta at sumoporta sa nakaraang summer komikon 2011. ^^  May mga iba pa po na nagbigay ng kung anu-ano, many thanks and kisses! (hindi iyong chocolate ha, iyong kiss mula sa aso dito na ang pangalan ay Snowby-hahaha!) Kidding aside, salamat po talaga at nag-enjoy kami to the max (at parang flat tire kinabukasan dahil sa pagod-hekhek!)

            Pangalawa, gusto po naming ibalita na ubos na po ang issue 2 ng CTR. Yehey!!! Pero sa mga naubusan, pasensya na po. Wala na po talaga kaming mahugot na kopya. Unless! (may umilaw na bumbilya) may magbenta ng second hand na CTR2 sa inyo o kaya may magpa-auction. Nice idea di ba? Lalo na sa mga nauubusan ng datung-hehehe! Pero malay niyo balang araw manalo ako sa lotto (kapag naisipan kong tumaya ulit-harhar!) ay magpapa-imprenta ako ng issue 2 ulit o kaya ay compilation. ^^ Pero please, ‘wag niyo naman i-upload sa internet, ipahiram niyo na lang ang kopya niyo at tutukan niyo ng shotgun habang binabasa para hindi malupi o magusot-haha! Kawawa naman ang friend niyo, baka naihi na sa salawal dahil tinutukan niyo ng shotgun, palagyan niyo muna ng catheter sa magandang nurse o kaya machong nurse, kung ano man ang preference niya. XD  

Pangatlo, kahit medyo nakakalungkot, kailangan ko pong ibalita na hindi po namin nabawi ang ginastos sa pang imprenta para sa CTR3. Consequences: kapag hindi po kami nakapag raise ng enough money para sa susunod na issue, baka ipa-riso na lang po naming ang CTR4 o kaya ay maghintay kung kailan namin ma-i-re-raise ulit ang kailangan para sa panglimbag. Ang ibig ko pong sabihin doon, kahit na ready na ang CTR4 sa November komikon (which is malaking himala by the way kapag nagawa nga ni Memer-hahaha!) ay CTR3 pa rin ang nakahanda sa aming table para maibenta sa mga wala pang kopya at baka sakaling maabot na ang kailangan para sa pag imprenta ng CTR4. ^^

Nabigla po kami sa laki ng itinaas ng halaga sa pagpapalimbag. Iyong naipon namin sa pinagbentahan ng CTR1 and 2 at CTS1 ay sapat lang para maipa-limbag ang CTR3. Sa mga nagtaas ng kilay, opo, ganoon nga po kamahal (walang exaggeration or whatsoever) ang pagpapalimbag namin ngayon. Akala po namin ay makakaipon na kami para sa pagpapalimbag ng CTS2, but unfortunately, naubos po.   

May isa pa po kaming solusyon, ang magbagsak ng kopya sa Comic Odyssey sa Galleria. Kawawa naman ang mga tao doon, mababagsakan ng komiks-hehehe! Ang corny, no? Wala, naubos na yata ang kabaliwan ko sa katawan dahil installment ang pagsusulat ko nito kasi isinisingit ko lang kapag may free time. Kung sakali man na makabenta kami ng around 120+ copies doon ay maiipon na namin ang kailangan para sa CTR4. yehey!!!! Clap! Clap! Clap! May kataasan po kasi ang kailangan namin para sa susunod na isyu dahil sa susunod na sasabihin ko.

Pang-apat, (ano? Inaantok na kayo? Aba! Hindi lang kayo, ako din! Hehehe!!!) pinag aaralan namin kung isasama na lang namin sa isyu ng komiks ang CTS. Halimbawa, ang CTS2 chapter 1 ay sa CTR4 lalabas. Madadagdagan ang pages (kaya mas mahal ang pag imprenta) at bahagyang tataas ang presyo pero magkasama na silang dalawa. Magiging rare copy na lang ang CTS 1. ^^ Nagtanong na kasi ako sa imprenta kung magkano kapag nadagdagan ng pages. Pero sa ngayon ay puro drawing lang ang mga planong ito. Well, huwag niyo na hanapin pa sa akin ang drawing kasi baka hindi ninyo maintindihan ang stick figures-hehehehe! Ang straight line ko nga ay bumabaliko pa, aasahan niyo pa ba ako doon?

Anyway, bigyan niyo na lang po kami ng feedbacks, comments, and suggestions. Malaking tulong din po kasi sa amin kung may ideas kayo. ^^ Masyado na pong matagal ang update na ito kaya kailangan ko na pong ayusin.

O sige na sa susunod na lang na balitaan. Maraming salamat sa inyo. Babush!


Angel Mei

2 comments:

  1. Angel Mei! Huhuhu, sana umabot naman po yung Issue 3 sa Comic Odyssey! ;_; Tsaka yung novel... last week tsaka last, last week pa ko pumapasyal dun! ;_;

    ReplyDelete
  2. Nagrestock na po kami sa Comic Odyssey today. Sorry at pinaghintay ka namin nang matagal. ^_^'

    ReplyDelete