Una sa kahat, dapat ay kagabi ko pa ito isinulat. Pero dahil sa sobrang pagod at dami ng gawain, umiikot na ang paligid ko bago pa man lumalim nang husto ang gabi.
Produksiyon ng CTR #3
Magsimula tayo sa paghahanda ng isyu 3. Alam naman ninyo na halos isang taon na din ang nakalipas mula nung unang ilabas ang isyu 2. (Parang CCCom 'no? Ahehe!) Dumadami na din kasi ang mga trabahong aking inaatupag sa ngayon. Labas pa dun ang responsibilidad ko sa aking pamilya. Mabuti na lang at mabait pa din ang Diyos at lagi na lang ako binibigyan ng panahon para tapusin ang isang isyu pag nanganganib na ito. Last month ko lang talaga ito bingyan ng pansin ulit. Within a month tinapos ko ang nalalabing 20+ pages na kelangan pang iguhit at letrahan. Gusto talaga namin makapaglabas ng bagong komiks sa darating na Summer komikon.
Good news sa bagong isyu - mas madami na siyang tones! Yay! Patawarin niyo na lang at hindi talaga ako toner. (Boo!) Malaki pa naman ulit ang fonts para wala nang mga readers ang magiging near-sighted (tulad nung sa isyu 1). Saka nadagdagan ng 4 extra pages ang bagong isyu. 32 pages na siya ngayon. Siyempre kasama na dun ang extra stuff tulad ng fanart at iba pang articles.
Pagpapalimbag
Ito ang medyo malungkot na aspeto ng isyu 3. Nalaman lang po namin na more than 50% na ang itinaas ng pagpapalimbag ng isang isyu. Napaisip tuloy kami at naguluhan sa pagpa-plano. Tataasan ba namin ang presyo ng komiks? Sa panahon ngayon, madami na nga ang umaaray sa pagtataas ng iba't-ibang bilihin, pamasahe, atbp. Kung hindi naman namin tataasan ang presyo (o konti lang ang itataas), kami naman ang mahihirapan mag-ipon para sa susunod na isyu.
Photocopy na lang kaya o Riso? Ito ang mabilis na solusyon sa aming problema. Kung ganito ang gagawin namin e hindi na namin kelangan taasan pa ang presyo ng CTR 3. Ang problema: Pangit ang reproduction ng tones pag riso o photocopy. Maaaring dumilim o malabnaw ang output ng ganitong proseso. Hindi mo talaga kontrolado ang output na ito. Sayang naman yung pinaganda naming pahina (nagbubuhat na ako ng sarili kong bangko). Isa pang problema sa riso at photocopy ay may white borders sila sa paligid ng pahina. Ibig sabihin nito ay pwedeng maputol ang art o text na nakalagay sa borders ng papel mo. Isa itong bagay na hindi ko napagplanuhan (dahil imprenta nga ang orihinal na iniisip ko).
Nauwi din kami sa imprenta. Pero siguro magiging turning point ito ng susunod naming balak sa future issues ng CTR (at CTS). Aalamin namin kung ano ang magiging resulta ng pagtataas ng presyo ng komiks. Kung hihina ang benta, malamang ay magpa-photocopy na nga lang o riso kami sa isyu 4 at mga kasunod nito. Mababawasan na din ang tones dahil hindi ito maayos na mare-reproduce.
Sa totoo lang po ay natuwa kami dati dahil akala namin ay nakaipon na kami ng pampalimbag for 2 more issues ng CTR. Nakakalungkot lang sabihin na ang naipon naming ito ay ibubuhos na namin sa isyu 3 lang.
Posibleng Direksiyon ng CTR at CTS
Tulad ng nabanggit, maaaring gamitin namin ang low cost methods ng riso o photocopy sa susunod na isyu. Depende ito sa magiging sales namin ng isyu 3.
Ang mas malaking problema namin ay ang Cat's Trail Spotlight. Sa mga bumili ng libro, alam niyo naman na importante ang mga detalyeng nilalahad dito dahil ito ay impormasyon na hindi na tatalakayin pa sa CTR. (O bahagyang tatalakayin lamang). Ito din ang libro naming mahirap maibenta dahil mas gusto ng readers ang komiks format kesa illustrated novel. Kung ang CTR ay dumoble ang presyo ng pagpapalimbag, isipin niyo na lang ang magiging street price ng CTS. May bibili pa kaya nito kung taasan namin ang presyo to P100+ pesos? P150 o P180? Kung P80 lang ay mahirap na itong ibenta, ano pa kaya ang magiging resulta pag nagtaas pa kami?
Sa ngayon ay pinag-iisipan na din namin kung paano ito gagawan ng paraan. Hindi na din namin mahihinto ang produksiyon nito dahil kelangan talaga ito sa kuwento. Isa pa, ang pagtigil sa paggawa ng CTS ay makakasira sa tiwala ng mga bumili na nito at nagustuhan ang kuwento. Isang ideya namin ay isama na lang (per chapter) sa CTR ang CTS. Pero ito ay ideya pa lamang at hindi pa final.
Bilang pagtatapos, nais po sana naming hingin ang inyong pag-unawa sa naging direksiyon ng isyu 3. Ang gusto lang po namin ay patuloy kayong mabigyan ng aliw at tuwa sa pagbabasa ng Cat's Trail Rewind. Kung meron po kayong mga suggestions o tanong, magpadala lamang po kayo ng message sa: ctrewind@gmail.com at sasagutin po namin ang inyong messages sa abot ng aming makakaya.
Bilang maagang pabuya, mag-iiwan kami ng sample pages mula sa CTR isyu 3. Mapapansin niyo po sa cover ang pagbabago ng presyo ng pinakabagong isyu.
Maraming salamat po!!!
---------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Para sa karagdagang impormasyon sa darating na Summer Komikon pumunta po kayo sa kanilang site.
Maaaring partial delivery ng CTR 3 lang po ang mabibigay sa amin ng imprenta by the 15th, so baka 200 copies lang more or less ang madadala namin sa event. (Update ko po kayo sa 15th din.) Kung hindi po kayo makakapunta sa Summer Komikon, makakabili pa naman po kayo sa Comic Odyssey Galleria (sa branch lang nila na ito) after the event. Hintayin lang po ang post namin dito kung kelan available or call their store at (632) 914-0040 bago po kayo pumunta dun. (sayang ang pamasahe niyo kung wala kayong aabutan)



The price increase is understandable. It's the reality of our times, really.
ReplyDeleteBut I don't think you have too much to worry. CTR/CTS are very good examples of comics borne of love with the craft. Just make it as good as you can, story-wise and art-wise, and people are bound to get it. Sabi nga sa Fullmetal Alchemist: equivalent exchange or fair trade.
Whatever path one may take, be it the ideal one or the low cost one, a good story/book will always find it's way to be heard.
And Airee has a loud enough voice ;p
Ayos lang po kahit tumaas pa ang presyo ng CTR at CTS as long as di niyo po ititigil sa produksyon ng future issues..
ReplyDeleteMore power po sa inyo!!
For me, I would prefer quality and I am willing to pay the price. Yun nga lang siyempre mas nais ng mga fans na patuloy ang produksyon ng Cat's Trail. Kaya suporta ako sa paraan kung saan patuloy ninyong mailalahad ang buong kwento ng Cat's Trail.
ReplyDeleteYou need Visprint on your side for the Cat's Trail backstories and the core comic stories, is what I can suggest. Like they did with Trese. This will unload some of the money problems off you, and will hopefully bring all of Cat's Trail to a wider audience.
ReplyDeleteYou have a much better chance than I do in getting Visprint's attention, because you use Tagalog in your work even if it's in a fantasy setting, and you already have a recognizable fanbase.