Matapos ang re-launching ng CTR at CTS sa Komikon '09, maraming katanungan ang nais masagot ng mga mambabasa. Nasa baba ang mga pinakamadalas na matanong (in random order):1. Kelan po ang susunod na isyu?
- Kung makarami uli kami ng benta sa susunod na event sa Mangaholix event sa Nobyembre, at makaipon kami ng pondo para sa muling pagpapalimbag, ang susunod na isyu ng CTR ay sa Disyembre. Kung saang event ay kelangan pa naming malaman. So far, may invite sa kin sa isang pending na event sa December. Keep coming back for updates po.
2. Kung ang CTR ay posibleng magka-isyu 2 sa Disyembre, kelan po ang susunod na isyu ng CTS?
- Tulad ng nabanggit ko sa isang lumang post ko dito, ang CTS ay hindi laging kasabay ng bawat isyu ng CTR. So expect na wala munang CTS pag naglabas na kami ng CTR #2. Bakit? Kasi malawak ang magiging sakop ng kuwento ng CTS sa kuwento ng Cat's Trail. Kung lagi po natin siyang isasabay sa bawat isyu ng CTR, mauuna pong ma-reveal ang buong kuwento ng CT sa CTS. Pero sigurado pong may iba pang aklat ang CTS. Mas matagal lang ang paghihintay.
3. (Matapos ang Komikon) Meron pa po bang isyu ng CTR at CTS na puwedeng mabili?
- Madami pa naman pong natirang isyu matapos ang Komikon '09. ^_^
4. Ba't wala pong kulay yung cover?
- Ang rason dito ay pondo. Ito po ay unang pagkakataon naming mag-self publish ng aking butihing maybahay kaya pinilit po muna naming maging conservative sa gastos. Aaminin po namin na medyo kinabahan din po kasi kami dahil baka hindi po mag-click ang re-launching ng CT. Kapag tumaas na po siguro sa mga 1000+ ang sirkulasyon ng aming komiks, baka po i-consider namin ito.
5. Pa'no naman po yung mga nasa malalayong lugar (outside Metro Manila at sa ibang bansa)? Pa'no po kaya kami makakabili?
- Pinag-aaralan pa po namin ito. Nagtanong na ako sa LBC at nagpa-quote ng mga presyo ng isang set. Kung magpapadala po ako sa (any point of) Luzon, ang presyo ng pagpapadala ay P100, kung Visayas o MIndanao area naman ay P110. Parang 1 set na din halos ang presyo ng shipping. Kung sa ibang bansa naman ay mas kumplikado pa at ang estimate ko ay parang bumili ka na ng sampung sets ng CTR at CTS (shipping pa lang yun). Pinag-iisipan ko ito dahil parang lugi ang mga buyers sa additional shipping cost (lalo na yung mga nasa ibang bansa). Kung pipiliin mo ang murang alternatibo - ang postal service - medyo kinakabahan naman kami na hindi makaabot sa bumili ang kanyang binayarang libro. (Kahit nung nasa CCCom pa ako ay madami kaming natatanggap na reklamong wala silang natatanggap na isyu)
Ang isa sigurong pwede kong gawin ay mag-iwan ng mga copies sa mga Comicbook outlets/retailers sa mga malls. Pero limitado pa din ito sa sakop ng aking pwedeng ma-biyahe. (Ako po ay taga-Binangonan, Rizal)
Hindi din po madaling makapasok sa big retailers/stores tulad ng National Bookstore. Madami pong kelangan lakarin dito. Hindi ko na po iisa-isahin. (Kung may malakas sa may-ari ng NBS, makikihingi na lang kami ng tulong... ehehe...)
So, ang maipapayo ko sa ngayon: Kung may kakilala kayo dito sa Metro Manila o sa Pilipinas na pwedeng bumili ng mga isyu para sa inyo, makisuyo na lang po muna kayo. Hayaan niyo at hahanap po kami ng paraan upang marating kayong lahat ng aming libro. Kelangan lang muna namin ng panahon. Kung meron kayong suhestiyon, o maitutulong, ipaalam lang po sa amin.
6. Pwede po bang gumawa ng CT doujinshi o fan komiks? Puwede po ba itong ibenta?
- Ito'y natanong lang sa blog ni ko (Memer). Gusto ko na lang din ito sagutin dito na mas may kabuuan. Wala pong problema sa 'kin ang fan art, fan fiction, o doujinshi ng CT. Ito lang po ang pakiusap ko: Huwag naman po sana bastos ang nilalaman ng inyong gawa. (Meaning, walang nudity, sex, o anumang nilalaman na pwedeng makasira sa imahe ng CT) Kung maaari ay bigyan niyo po ako ng detailed synopsis ng inyong fanfic/doujin bago po kayo maglabas. Ito'y upang maiwasan ang pagkakapareho ng inyong nagawa sa aming orihinal na intensiyon na daloy ng kuwento ng CT. Baka po kasi pareho ang tahakin ng ating kuwento at magturuan po tayo kung sino ang nanggaya o nang-agaw ng konsepto. Once approved naman po ang synopsis niyo, pwede niyo po itong ibenta din bilang indie komiks o i-post sa inyong blog/site. Ang pakiusap ko lang din po ay ma-credit, in any way, ang tunay na Cat's Trail at ang mga may-ari nito. Maraming salamat.
Hanggang dito na lang muna ang mga questions and answers. Kung meron pa po kayong tanong na hindi pa nalagay dito, paki-email na lang sa amin sa ctrewind@gmail.com at pipilitin po namin itong sagutin sa abot ng aming makakaya.
Sana nga po pala ay nagustuhan niyo ang bagong blog/tahanan ng Cat's Trail. Minabuti ko na pong ihiwalay sa personal blog ko ang CT para po hindi na ito masama pa sa ibang kaguluhan ng aking personal na buhay. (Tulad ng mga laruan at iba pang komiks o drowings na ginagawa ko ^_^")
Sana din po ay magpa-add kayo sa mailing list ng CT. (Nandiyan lang po sa right hand side ng blog) Ito'y upang ma-update kayo tuwing may bagong post sa blog na 'to o 'pag may bago o importanteng news patungkol sa Cat's Trail.
Enjoy your stay!!! ^_^
0 comments:
Post a Comment